CBCP: One Prayer Power vs RH Bill suportahan

NANANAWAGAN ang maimpluwensiyang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa publiko, partikular na sa mga kabataan, na suportahan ang gagawing “One Prayer Power Against Reproductive Health Bill” sa Agosto 4, simula 1:00 ng hapon hanggang 7:00 ng gabi, sa Edsa Shrine, Ortigas, Pasig City.

Ayon kay Fr. Conegundo Garganta, executive secretary ng CBCP- Episcopal Commission on Youth, mahalaga ang pagtitipon na ito upang ihayag ng nagkakaisang mga Pinoy ang kanilang pagtutol sa RH Bill.

Giit ni Garganta, mahalagang maiparating ng tao sa mga mambabatas na sa pamamagitan ng bisa ng pananalangin kaakibat ng kasasaysayan ng pagtitipon sa Edsa ay makapagsusulong sila ng mga kapaki-pakinabang na batas na pabor sa dignidad ng buhay at ng pamilyang Pinoy.

Binigyang-diin pa ni Garganta na ang isulong sanang batas ng mga opisyal ng pamahalaan ay mga programang maghuhubog sa kaisipan at sa kakayahan at talino ng mga Pinoy.

Kaugnay nito, pangungunahan ng mga catholic school ang isasagawang prayer rally.

Ayon sa CBCP, layunin nang pagsabak ng mga mag-aaral mula sa mga catholic school na ipaabot sa mga mambabatas ang mariing pagtutol nila sa RH Bill.

Sinabi naman ni CBCP-Episcopal Commission on Family and Life chairman Antipolo Bishop Gabriel Reyes, na ang pagtututol sa RH Bill ay laban din ng kabutihan kontra sa kasamaan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply