CBCP: Pondo para sa contraceptives, ilaan sa makabuluhang programa

SA HALIP na ipambili ng mga contraceptive, dapat na gamitin na lang umano ng pamahalaan sa mga makabuluhang programa gaya ng pagresolba ng lumalalang problema sa child labor ang pondong inilalaan nito sa pagsusulong ng artipisyal na family planning.

Ayon kay Cebu Archbishop Jose Palma, pangulo ng maimpluwensiyang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), sa halip na bumili ng condom ay dapat na gamitin na lang ng pamahalaan ang pondo nito sa mga makabuluhang programa para mabigyan ng trabaho ang mga magulang ng mga bata na napipilitang magtrabaho sa kanilang batang edad.

“Instead of buying condoms, the government must use the funds to provide worthy programs for the employment of the parents of these working children,” mungkahi ni Palma.

Kasabay nito, nagpahayag rin ng pagkadismaya si Palma dahil sa kawalan ng kakayahan ng pamahalaan na resolbahin ang child labor.

Aniya, ang marapat ay magpokus ang pamahalaan sa mga mas mahalagang isyu sa halip na unahing bigyang pansin ang mga interes ng mga dayuhan, partikular na ang pagpondo ng pamahalaan sa contraceptives bilang bahagi ng Millennium Development Goals (MDG) nito.

“We should address urgent issues first rather than providing deficient solutions, which are not really the answer to the problem,” aniya.

Nauna rito, sinabi ng Department of Health (DOH) na naglaan sila ng may P500 milyon para pambili ng contraceptives na ipapamahagi sa mga mag-asawa.

Inireport naman ng International Labor Organization (ILO) na mayroong 5.59 milyong batang nagtatrabaho sa bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply