CBCP sa pamahalaan: OFWs sa Syria tiyaking ligtas

DAPAT tiyaking ng pamahalaan na ligtas ang mga overseas Filipino workers (OFW) na naiipit sa tumitinding kaguluhan sa Syria.

Ang panawagan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ay kasunod nang pagkakapaslang sa ilang opisyal ng Syrian government matapos ang bomb attack sa National Security Headquarters sa Damascus.

Batay sa rekord ng Department of Foreign Affairs (DFA), tinatayang nasa 6,000 hanggang 7,000 Pinoy pa ang nasa Syria, habang nasa humigit kumulang 2,000 naman ang napabalik sa bansa mula Marso 2011.

Kasabay nito, tiniyak rin naman ni CBCP president at Cebu Archbishop Jose Palma na kasama sa kanilang mga panalangin ang kaligtasan ng libu-libong Pinoy sa nasabing bansa.

“Our prayer for those who are concerned (agencies) to facilitate the return of our fellow Filipinos who are still in Syria especially those who already want to go back home,” ani Palma.

Ayon kay Palma, kaisa ng sambayanan ang Simbahang Katoliko sa pagdarasal para sa kaligtasan ng mga Pinoy sa Syria.

“We are really concerned for our OFWs (overseas Filipino workers) in Syria because we know that they are only doing this for their family,” pahayag pa ni Palma.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply