CCT fund ‘di magagamit ng tiwaling politiko

HINDI magagamit ng mga tiwaling pulitiko sa 2013 elections ang conditional cash transfer (CCT) fund.

Ito ang resbak na pahayag ng Malakanyang sa patutsada ni Sorsogon Bishop Bastes na maaaring gamitin ng mga pulitiko sa pangangampanya ang nasabing pera na nakalaan sa mga mahihirap.

Ani Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, walang partisipasyon ang local politicians sa pagpapa-enroll ng beneficiaries ng CCT.

Aniya, sinasalang mabuti ang mga makikinabang ng programa sa pamamagitan ng National Household Targeting System na ginagawa ng national government.

Mahigpit din ang proseso dahil kahit nakasama na sa listahan, maaari pang tanggalin kung mapatunayang hindi naman ito karapat-dapat.

“Well, I’d like to direct the attention of Bishop Bastes to the fact that politicians, local nor provincial, do not have any hand in the CCT… in seeking CCT beneficiaries. That was the system under the previous administration. But under the Aquino administration, the beneficiaries are selected by conducting the National Household Targeting System. Sinu-survey po ’yan. And even if the NHTS recommends a particular beneficiary, kapag may dumating pong report na hindi po pala dapat naisama, tinatanggal po natin ‘yan sa listahan. At kahit po ‘yong beneficiary is correctly identified by NHTS as qualified to benefit from the program kung hindi din naman po nagco-comply tinatanggal din po natin ‘yan sa listahan. So hindi po ‘yan magagamit sa 2013 elections primarily because the system as we have designed it will not… hindi po dumadaan. Wala pong input from the local or the provincial kung sino ho ‘yong dapat na isama doon sa CCT program,” ang paliwanag ni Usec. Valte.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply