CCT Program ‘di ramdam ng mga Pinoy – Casiple

WALANG epekto sa mga Filipino ang Conditional Cash Transfer Program (CCT) ng pamahalaang Aquino. Ito ang naging assessment ng political analyst at professor na si Ramon Casiple sa dalawang taong panunungkulan ng Pangulong Noynoy Aquino.

Sinabi ni Casiple sa isang panayam na hindi nararamdaman ng mga mahihirap na pamilya ang epekto ng ibinibigay na ayuda ng pamahalaan upang maiangat ang kanilang pamumuhay dahil hindi ang mga mahihirap ang nakikibang sa pag-unlad ng ekonomiya

Itinatanong ni Casiple kung sino ang tunay na nakikinabang sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa hinggil sa ipinagmamalaki ng administrasyong Aquino na pag-angat ng ekonomiya ng bansa.

Iginiit pa ni Casiple na mistulang hindi naman ang mga ordinaryo at mahihirap na Pinoy ang nakikinabang at nabibiyayaan sa sinasabing pag-unlad ng bansa.

Kaugnay nito, inaasahang magiging mahaba ang State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Aquino mamayang hapon.

Sinabi ni Casiple na ito ay dahil sa inaasahang idedetalye ng husto ng Pangulo ang kanyang mga nagawa sa dalawang taong panunungkulan at maging ang mga agenda nito para sa mga susunod na taon.

Sinabi ni Casiple na ilan sa mga malinaw na nagawa ng administrasyong Aquino ay ang paglaban nito sa korapsyon, matinding panawagan para sa reporma sa hudikatura at ang pag-angat ng ekonomiya. (Johnny F.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply