CDO Underbone Kings umarangkada!

HAPPY na happy ang naging huling weekend ng Hunyo para sa mga Underbone riders ng Cagayan De Oro matapos silang dalawin ng Shell Advance team at ng RACE Motorsports Club para sa CDO round ng 2012 Shell Advance Underbone Kings Challenge.

Overall winner para sa obstacle course si Jessierl Dono na nakapagtala ng 106.28s run time habang sa ikalawang pwesto naman ay si Jeffrey Adrian Buana na nakapagtala ng 111.24s at sa ikatlong pwesto ay si Michael Jim Dy.

Ang kampeonato naman para sa may pinaka-astig na disenyo ng motor ay napunta kay Reedomark Timosan, ang 1st runner-up title kay Rainier Paras, at ang 2nd runner up title naman ay kay Manuel Macale.

Inuwi naman ng half Japanese/half Pinoy na si Josaku Wakabayashi ang Best Dressed for Stock category title, na sinegundahan nina Ariel Macabecha (1st runner up) at Romel Donaire (2nd runner up).

Samantala, ang mga bonus challenge na Slow Race at Bike Balance ay pinagtagumpayan naman nina Arnold Artillo (Slow Race) at Marlowe Sagon (Bike Balance).

Umabot halos sa P17,000 ang pinaghatian ng mga nagwagi, liban pa sa mga freebies na kanilang natanggap gaya ng Shell Advance jacket, caps, at Shell Advance oils.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply