Cebu Gov. Garcia kinasuhan ng graft sa Ombudsman

SINAMPAHAN na ng two counts ng kasong graft at one count ng technical malversation si Cebu Governor Gwendolyn Garcia sa Sandiganbayan na may kaugnayan sa maanomalyang pagbili umano ng 24.92 hectare na property para sa housing site sa Tigaan, Naga Cebu.

Lumalabas na umaabot sa P98,926,800 million ang property na nabili nito noong 2008.

Ang kaso ay isinampa ng Office of the Ombudsman.

Bukod kay Garcia, kinasuhan din ng one count of graft sina Juan Bolo, dating provincial council member; Anthony Sususco, dating Cebu Provincial Appraisal Committee (CPAC) chairman and provincial assessor; Roy Salubre at Eulogio Pelaypre, dating CPAC members; Emme Gingoyon, dating provincial budget officer; Amparo at Romeo Balili.

Aabot naman sa P30,000 ang piyansang inirerekominda sa bawat count ng graft at one count ng technical malversation.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply