Cebu Pacific: Walang ‘rebooking fee’ para sa Cambodia

IPINAHAYAG ng Cebu Pacific na wala silang ipapataw na ‘rebooking fee’ para sa mga pasaherong pupunta ng Cambodia.

Hindi sisingilin ng Cebu Pacific ng ‘rebooking fee’ ang mga pasahero nito na nagkansela ng kanilang biyahe patungo sa Cambodia.

Ayon sa Cebu Pacific, mahigit sa 80% ng mga nagpa-book papuntang Cambodia ay kinansela dahil sa Enterovirus 71 (EV71).

Sa halip na singilin ng ‘rebooking fee’ ay bibigyan na lamang ng airline ng isang taon ang mga nagkanselang pasahero.

Kaugnay nito, tuloy pa rin ang biyahe ng ilang mga Pinoy patungong Cambodia sa kabila ng kumakalat na misteryosong sakit doon.

Sinabi ng mga Pinoy na patungong Cambodia, na mag-iingat naman sila.

Samantala, patuloy naman ang pagbabantay ng Quarantine Division sa tatlong terminal sa NAIA laban sa naturang sakit.

Pinayuhan din ng Quarantine Division ang mga Pinoy patungong Cambodia na panatilihing malinis ang kanilang katawan bilang proteksyon sa naturang sakit.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply