Cebuano mediaman ninakawan sa Boracay

KAMOT-ULO ang isang kagawad ng media mula sa Cebu City nang manakawan ng mahahalagang gamit habang nagbabakasyon sa Boracay.

Kinilala ang biktima na si Paulo Barrera, 27, ng Cebu City, nakuhanan ng dalawang cellphone, Ipod at wallet alas-4:00 ng madaling araw sa Station 2 Sa Brgy. Balabag sa naturang isla.

Ayon sa biktima, inilapag niya ang kanyang bag na may lamang kagamitan sa isang wind breaker sa naturang lugar upang maligo, na ninakaw naman ng suspek na si Hermie Padernal, 36.

Sa report ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC), inilibing pa ng suspek ang mga ninakaw sa buhangin, ngunit may nakapansin sa kanyang concerned citizen kaya’t agad na ipinagbigay alam sa pulisya.

Kasong theft ang isasampa sa nadakip na suspek.

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply