Cellphone ipinako sa ulo ng snatcher

TADTAD ng saksak at nakapako pa sa kanyang ulo ang isang unit ng cellphone ng madeskubre ng mga tanod ang bangkay ng hindi pa nakikilalang lalaki na hinihinalang snatcher at biktima ng “summary execution “ sa Quezon City.

Batay sa isinumiteng ulat ni SPO1 Randy Pantillo, ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District , nadeskubre ang bangkay ng hindi nakikilalang lalaki bandang ala 1:15 ng madaling araw na nakabalot ng masking tape ang ulo na  nakalugmok at wala ng buhay sa Congressional ave. extension, Brgy. PasongTamo, Quezon City.

Ayon kay Barangay Police Security Officer Joel Calipayan ng nasabing lugar, tadtad ng saksak ang bangkay ng makita niya itong nakasubsob at ang kalunos-lunos sa hitsura ng bangkay ay ang pagkakapako ng isang unit ng cellphone sa kanyang ulo na binalutan ng masking tape.

Patuloy pa rin sa pangangalap ng impormasyon ang mga pulis at inaalam pa rin nila kung sangkot sa agaw cellphone activities ang natagpuang bangkay na maaring pinatay sa ibang lugar at doon lamang itinapon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply