Cellphone signal sa Batasan ‘di puputulin sa araw ng SONA

IPINAHAYAG ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na hindi kailangang putulin ang cellphone signal sa Batasan Complex sa Quezon City sa araw ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Noynoy Aquino sa Lunes (Hulyo 23).

Sinabi ni PNP spokesman Senior Supt. Generoso Cerbo Jr., na wala naman silang natatanggap na Intelligence Report na may nagbabantang maghasik ng kaguluhan sa araw ng SONA ni Pangulong Aquino.

Matatandaan na noong Enero nang ipagdiwang ang Pista ng Itim na Nazareno ay pinutol ang mga cellphone signal matapos makatanggap ng report ng PNP na target ng mga terorista ang milyong deboto ng Nazareno.

Naniniwala si Cerbo na kontrolado ng PNP ang seguridad ng Pangulo at ang buong kapaligiran na pagdarausan ng SONA.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply