‘Censorship’ sa DOJ kinondena ng NPC

MARIING kinondena ng National Press Club of the Philippines (NPC) ang desisyon ng Department of Justice (DOJ) na palayasin sa main building nito ang dalawang antigong samahan ng mga mamamahayag matapos silang akusahan na mga “banta sa seguridad” (threat to security).

Ayon kay NPC president Benny Antiporda, isang porma ng ‘censorship’ at panunupil sa kalayaan sa pamamahayag ang utos ni De Lima na paalisin sa second floor ng DOJ main building ang JUCRA (Justice and Court Reporters Association) at JUROR (Justice Reporters Organization), batay umano sa ulat ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA), na isa na silang “banta” sa seguridad ng departamento at mga opisyales nito.

Sinabi ni Antiporda, na nais lamang ni De Lima na mailayo ang mga DOJ reporter sa paggampan sa kanilang tungkulin na agad makakuha ng detalye at reaksyon ng kanyang tanggapan at mga opisyal (OSEC) sa mga mahahalagang isyu na binubusisi ng Kagawaran.

“Batay umano sa report ng NICA, gusto ngayon ni Sec. De Lima na ‘palayasin’ sa kanyang tanggapan ang mga mamamahayag pero ang masasabi ko, ‘we were not born yesterday.’

Ayon pa sa NPC president, sa halip na pagsupil sa kalayaan sa pamamahayag, mas dapat atupagin ni De Lima at ng DOJ ang pagbibigay katarungan sa mga napaslang na miyembro ng media.

“Mayroong Task Force 211 ang DOJ para resolbahin ang isyu ng media killing pero kahit sa isyung ito, wala rin siyang ginagawa,” pagdidiin pa ni Antiporda.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply