Cerilles pinakasuhan ng graft sa Sandiganbayan

PINAKASUHAN ni Ombudsman Conchita Carpio Morales ng paglabag sa anti-graft and corrupt practices (Republic Act No. 3019) si dating  Zamboanga del Sur Governor at ngayo’y Rep Aurora Cerilles kabilang na ang anim na indibidwal kaugnay sa pagbili nito ng  medical supplies noong 2001.

Maliban kay Cerilles, mahaharap din sa parehong kaso sina Marina Tudio-Tampus,  Officer-in-Charge (OIC) Provincial Accountant; Estita Tago, OIC Provincial Budget Officer; Malaya Ysmael, OIC General Services Officer; Corazon Silla-Ariosa, hepe ng Hospital ng Zamboanga del Sur Provincial Hospital.

Ang apat ay kabilang sa miymebro ng  Bids and Awards Committee (BAC) ng provincial Government Zamboanga del Sur; habang kakasuhan din ang dalawang private individuals na sina Rey Morgada at Neil Cruz na siyang tumayong representatives ng U-Net Distributors Corporation (U-Net) at nakakuha ng kontrata.

Ang pagsasampa ng reklamo ay dahil na rin sa lumabas na pagsisiyasat ng Commision on Audit (COA) na ang P6,879,225 na mga medical supplies ay binili sa exclusibong distributors na malinaw na nilabag nito ang  Section 105 ng COA Circular No. 92-386, na nagsasaad ng  “which circular allows procurement from exclusive Philippine agents or distributors only if  “(a) the Philippine distributor has no sub-dealers selling at lower prices; and (b) no suitable substitutes of substantially the same quality are available at lower prices.”

Sa resolution ng Ombudsman, sinang-ayunan nito ang ginawang pagsisiyasat  ng COA na kung saan ang mga biniling medical supply mula U-net ay mga ordinaryo lamang at hindi na kailangan pa ng brand name para lamang makabili sa exclusibong distributors.

Bukod dito, dapat ay dinaan din sa public bidding ang ginawang pagbili ng medical supply ng provincial government at posibleng makamura ito ng mahigit na P1,204,755 dahil na rin  sa competition ng mga suppliers.

Dahil dito, naniniwala ang Ombudsman na lumabag si Cerilles at mga kasamahan nito dahil sa ginawang direct purchase ng mga medical supply na kinabibilangan ng  scrub suit green (in large/medium sizes), flat sheet (66 X 108 in white, pink and blue colors), drawsheet (54 x 72), at abdominal bondage.

Samantala inabswelto naman ng Ombudsman sina Zenaida Galicinao, Filomena Pongon, Roseller Ariosa at Isaias Regis, Jr. dahil na rin sa hindi sapat na ebidensya laban sa mga ito.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply