Certified orocan talaga!

LUMALABAS sa kolum ni Kuya Germs last Sunday sa PSN na may titulong That’s Entertainment ang statement ni Manang Cristy Fermin para sa dating co-host sa Paparazzi na si Ruffa Gutierrez kung saan animo’y Christian ang nagpapaabot ng mensahe kay Ruffa.

Narito, inyong basahin ang bait-baitang pahayag ni Manang Cristy: “Ang hangad ko ngayon, matapos marinig ang lahat ng panig, mula sa puso ko, sana lahat tayo ay sumulong at kalimutan na ito.” Palakpakan natin ang kaplastikan ng oslang TV host. As if totoong may puso naman siya eh, napakaburak ng pag-uugali ng nilalang na ito na walang ginawa kundi tira-tirahin ngayon si Ruffa at Mommy nitong si Tita Annabelle Rama sa kanyang mga kolum. Madalas ay bina-blind item pa niya ang dating Miss World 2nd Princess.

May sinasabi pa ang golden girl na kolumnista na kaya raw nagagalit si Ruffa ay dahil insecure ang TV host actress sa isa pa nilang co-host na si Mariel Rodriguez. Maganda raw kasi si Mariel, bata at very happy and contended sa kanyang married life.

Bulag ka ba, Manang Cristy? Mas maganda namang ‘di hamak si Ruffa compared to Mariel, no? At saka hindi nagbabago ang kanyang hitsura. Ganon pa rin ang kanyang looks noong nagsimula siyang mag-artista sa edad na 13 yrs. old. Ang hirap kasi sa iyo gurangga, ikaw naman talaga ang tunay na naiinggit sa beauty at kasariwaan ni Ruffa, ipinapasa mo pa sa iba. Palibhasa’y pangitelya ka at pang-horror ang arrive mo at si Rufingfing, pang-international ang ganda.

Alam mo Manang Cristy, ang dapat sa iyo, tutal gurang na gurang na ang rehistro mo sa TV screen, mamahinga ka na sa telebisyon at ipaubaya na ito sa mga bata at makabagong hosts.

Saka non-rating  hanggang ngayon at hindi mo mapaangat-angat ang rating ng Juicy. Unlike noong time nila BFFT Pete A. at Malaysian producer pa ang may hawak ng istasyon ay isa ang Juicy noon sa nangungunang programa ng Kapatid Network. Get’s mo gyud (Akala kasi ay mas maraming ad men ang mahahatak ng bungalyang lola kaya ginetlag siya. Hahahahaha! Ang ending, nasa graveyard shift dahil sa kawalan ng revenue. Cheeeeaaaaaaaapppppppp! – Ed)!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply