Cessna plane bumagsak sa Zambales: 2 piloto ligtas

BUMAGSAK ang isang Cessna plane sa karagatang sakop ng Iba, Zambales matapos mamatayan umano ng makina.

Sa ulat sa radyo, ilang minuto lamang buhat nang lumipad mula sa Iba Airport ang two-seater plane na pag-aari ng All Asia Aviation Academy ay bumagsak na ito sa may 15 metro mula sa dalampasigan ng Sitio Korokan.

Ligtas naman ang dalawang sakay ng plane na sina Flight Instructor Captain John Paul Garcia at co-pilot na si Vivian Mahindran Mangendan.

Magsasagawa sana ng routine flight lesson sa lugar ang nasabing Cessna plane.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply