CGMA balik-trabaho na sa kanyang distrito

BAGAMA’T walang katiyakan kung makadadalo ngayong hapon sa sesyon si dating Pangulo at Pampanga Rep. Rep. Gloria Macapagal-Arroyo ay balik trabaho na ito sa kanyang distrito.

Sinabi ni Elena Bautistas-Horn, ang tagapagsalita ni CGMA na katatapos lamang sumailalim sa therapy session ang dating Pangulo sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC).

Ani Horn, tinawagan ng dating Pangulo ang lahat ng alkalde sa ikalawang distrito ng Pampanga para bigyan siya ng update sa mga residenteng apektado ng baha dulot ng bagyong Gener.

Masusi aniyang imino-monitor ni Ginang Arroyo ang sitwasyon ng kaniyang mga constituents at nais nito ay makatanggap ng anomang update oras-oras.

Una nang inihayag ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na isa ang Pampanga partikular na ang bayan ng Guagua na sakop ni Arroyo ang matinding naapektuhan ng baha.

Naghahanda rin aniya si Arroyo sa isasagawang relief operations para sa mga kababayang naapektuhan ng bagyo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply