CGMA dumalo sa sesyon ng Kamara

DUMALO na sa sesyon ng Kamara si Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo matapos makalaya noong nakaraang linggo..

Dumating sa plenaryo ng Kamara bandang alas-4 ng hapon kanina si Arroyo na nakasuot ng off-white na dress kasama ang anak na si Ang Galing Pinoy party list Rep. Juan Miguel “Mikey” Arroyo.

Ang dating pangulo ay isinailalim sa hospital arrest noong Nobyembre 2011 at nakapagpiyansa nitong Hulyo 25, 2012.

Sa nakalipas na taon ay may 35 beses lamang dumalo si CGMA ng sesyon at naghain lamang ng formal notices of absence dahil sa medical reasons para sa 24-session days.

Hindi siya nakadalo sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Aquino noong nakalipas na taon matapos itakbo sa ospital dahil sa hindi magandang karamdaman.

Sumailalim si GMA sa ilang operasyon para maitama ang “pinched nerve” sa kanyang gulugod.

Nagpapagaling siya sa kanyang bone mineral disorder at hypoparathyroidism nang maikulong sa Veterans Memorial Medical Center sa Quezon City dahil sa kasong poll sabotage.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply