CGMA, hindi imbitado sa SONA ni PNoy

HINDI imbitado si dating Pangulo na ngayon ay Pampanga Congresswoman Gloria Macapagal-Arroyo sa ikatlong State Of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno Aquino III sa Hulyo 23, 2012.

Ang katuwiran ni Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte ay nakakulong ang dating lider at wala siyang ideya kung hihingi ito ng permiso sa korte para makasama sa SONA.

“She’s under detention. So we do not know if she will ask permission from the court to personally attend,” ang pahayag ng opisyal.

Sakaling payagan, aniya, ng korte si Mrs. Arroyo ay wala naman siyang ideya kung hihingi ito ng pass sa korte sa petsa ng SONA ni Pangulong Aquino.

“Hindi po natin alam kasi kung hihingi po sila ng pass from the court on that date,” ani Valte.

Gayunpaman, may karapatan si Mrs. Arroyo na dumalo sa SONA dahil kinatawan ito ng ikalawang distrito ng Pampanga.

“So,given po ‘yung kanyang right to be there,” ani Valte.

Walang bangkang papel sa SONA

Sinabi ni Usec. Valte na  walang bangkang papel na ipapaano sa Ilog Pasig kundi posibleng gumamit ulit si Pangulong Aquino ng computer graphics sa kanyang SONA gaya noong nakaraang taon.

“Normally, the need for visuals comes after more or less alam na po natin’yung takbo po ng kanyang magiging speech. At this stage, nasa first draft pa lang po si Pangulo at ang kanyang mga speech writers. And siguro po makikita pa po natin siguro mga two weeks or at least a week before the SONA kung ano po ‘yung mga aids na gagamitin if any. Pero normally the President sticks to visuals and not theatrics,” ayon kay Usec. Valte.

Sa ngayon, patuloy na tumatanggap ang Malakanyang ng mga inputs mula sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan at grupo na maaari niyang isama sa kanyang SONA speech.

“Alam ko po merong schedule ang Pangulo nitong linggo. Hindi ko lang po sigurado but we’ll advise you kung matutuloy na po ito. There’s a certain group that has invited the President for him to receive their opinions and their suggestions for what should end up in the President’s SONA. So tayo din po patuloy po ‘yung ating pagtanggap ng mga suggestions to that effect,” ani Usec. Valte.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply