CGMA ipinaaaresto muli

HINILING ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan na agarang magpalabas ng isang warrant of arrest laban sa dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo para sa kasong plunder dahil sa umano’y illegal transfer ng pondo sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Sa pagdinig  kaninang umaga sa Sandiganbayan First Division, nagsampa ang prosecutors mula sa  Ombudsman ng isang mosyon na humihiling sa korte na magpalabas ng warrant of arrest laban sa dating Pangulo  President sa kabila ng ipinalabas na hold departure order nitong nakaraang Martes laban sa kanya.

“Even if there is a hold departure order, they can still ask the court to allow them to travel abroad,” pahayag ni prosecutor Diosdado Calonge.

Idinagdag din nito na ang plunder case ay isang non-bailable kaya dapat maghigpit sa kalayaan ng akusado.

Kinuwestyon naman ng abuagado ni Arroyo na si Atty. Christian Diaz, na ang warrant of arrest ay walang saysay sa ngayon.“She is not a flight risk. May hold departure order nga eh issued by Sandiganbayan mismo,” reklamo nito.

Hindi naman nabanggit ni Diaz kung ang kanyang kliyente ay may planong magpatingin sa ibang bansa ng kanyang karamdaman.

Hindi, aniya, maaring magpalabas ng warrant of arrest sapakat hindi pa natatapos ang preliminary investigation (PI) ng Ombudsman at ang kanyang kliyente at may karapatan na kumpletuhin ang preliminary investigation bago muling ipaaresto.

Sinabi rin ni Diaz na inarsto na si Mrs. Arroyo sa kasong electoral sabotage na isinampa sa Pasay City regional trial court bago pa ang preliminary investigation.

Pinalaya na ito kahapon (Hulyo 25) matapos magpiyansa, walong buwan matapos siyabg kuwelyuhan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply