CGMA nanakit ang binti bumalik sa VMMC

BUMALIK sa Veteran’s Memorial  Medical Center (VMMC) kaninang umaga si dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo para sa isang physical therapy session.

Sinabi ni Elena Bautista-Horn, spokesperson ng dating pangulo, na nakaranas si Arroyo ng pananakit ng binti habang ito ay nasa alternative medical center sa Tagaytay City nitrong Huwebes ng gabi.

Dumating si Arroyo sa VMMC bago mag alas 11 a.m.

Nakalabas ang dating pangulo mula sa hospital detention sa VMMC noong nakaraang Miyekules matapos payagan na makapag-piyansa sa kasong   electoral sabotage sa Pasay CitY Regional Trial Court Branch 112.

Hindi naman nabanggit ni Horn kung ilang oras magtatagal si Arroyo sa VMMC para sa kanyang therapy.

Plano naman ni Arroyo na bumalik pa ulit sa kanyang home province ngayong araw para bisitahin ang kanyang mga constituents sa 2nd District ng Pampanga.

Nauna rito, pumunta si CGMA sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City para bisitahin ang kanyang mga magulang na sina former President Diosdado Macapagal at Evangeline Macapagal.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply