Cha-cha ni Enrile, inisnab ng Kamara

WALA na diumanong panahon ang 15th Congress para maisulong pa ang charter change (ChaCha) kahit ang rason pa ay paigtingin ang lakas ng Armed Forces of the Philippines dahil na rin sa pananatili ng Chinese vessels Panatag (Scarborough) Shoal.

Sinabi ni House Majority Leader at Mandaluyong City Rep. Neptali “Boyet” Gonzales II na dalawang dahilan kung bakit hindi maisusulong ang cha-cha. Una, dahil sisimulan na ang deliberasyon para sa panukalang P2.006 trilyon badyet para sa 2013 at ang nalalapit na eleksyon.

“The proposal of Senate President (Juan Ponce) Enrile is very noble, but I don’t think we have enough time to push Charter amendments. We are running out of time because Congress will be very busy deliberating on next year’s national budget and of course all candidates are now preparing for the 2013 elections,” ani Gonzales, chairman ng House committee on rules.

Sinisisi ni Enrile ang pagmamatigas ng China sa pinag-aagawang teritoryo dahil sa kawalan na rin ng pwersa mula sa AFP at ang Cha-Cha ay maaaring iprayoridad sa national budget.

Naunang sinabi ni Misamis Occidental Rep. Loreto Ocampos, chairman ng House committee on constitutional amendments, na masyado ng kapos sa panahon upang amien dahan pa ang saligang batas.
“It’s a complete surrender as far as the Cha-cha bill is concerned,” ayon kay Ocampos.

Kaugnay nito, umapela naman kay Pangulong Aquino si Antipolo City Rep. Romeo Acop na lumikha ng isang komite upang imbestigahan ang ginagawang pagbebenta sa kampo ng militar simula pa noong administrasyon ni dating pangulong Fidel Ramos para diumano pondohan ang modernisasyon ng AFP at upang makasuhan ang mga opisyal nito na posibleng sangkot dahil hanggang ngayon ay wala namang pagbabago sa sandatahang lakas ng bansa.

Giit ni Acop, dating police deputy director for comptrollership, dapat siyasatin ni Pangulong Aquino ang ugat ng mga kontroberssiya sa AFP.

“I believe on President Aquino’s good governance and his leadership should run after public officials who may have a hand behind the continued poor state of the country’s armed forces despite billions of funds for its modernization. We should account for the funds and punish those who may have shortchanged the government,” ani Acop.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply