Cha-cha suportado ni Rep. Biazon

ISINULONG ni Muntinlupa Rep. Rodolfo Biazon na alisin na ang ilang probisyon sa eleksyon sa bansa gayundin ang paglilimita sa confirmation process ng Commission on Appointments (CA).

Isa lamang ito sa mga nais ni Biazon na maisulong kung maisasakatuparan ang charter change sa Malaking Kapulungan ng Kongreso na ngayon nga ay nakasalang na ito sa House Committee on Revision of Laws.

Ipinaliwanag pa ng kongresista na sang-ayon siya na may ilang probisyon ang dapat baguhin ngunit partikular na dapat amyendahan ay ang probisyon sa halalan dahil masyado ng maraming eleksyon sa bansa at tila wala ng ginawa ang mga opisyal kundi ang mangampanya.

Isa pa sa nais ni Biazon na maamiendahan ay ang confirmation process ng CA kung saan hindi na dapat kasali dito ang kumpirmasyon sa promosyon sa mga matataas na military officials hanggang sa ranggong colonel kasama na rin ang ambassador at mga mas mababa pa sa posisyon ng isang kalihim.

Ang dapat na lamang, aniya, na isama sa confirmation process ay ang PNP Chief, AFP Chief of Staff, major service commanders, Chief Justice, at Commandant ng Coast Guard.

Subalit kahit lilimitahan, aniya, ang political appointees sa Ambassador ay hindi naman tuluyang aalisan ng prerogative ang pangulo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply