ChaCha ipaprayoridad ng Senado

PRAYORIDAD ng Senado ang panukalang amiyendahan ang Saligang Batas upang makalikha ng mga patakarang angkop sa panahon na magpapabago sa takbo ng ekonomiya, ayon kay Senate President Juan Ponce Enrile.

Sa pagbubukas ng ikatlong sesyon ng 15th Congress nitong Lunes, sinabi ni Enrile na kailangan nang baguhin ang Saligang Batas partikular ang probisyon sa ekonomiya upang makaakit ng dayuhang pamuhunan na makalilikha ng hanapbuhay.

“We believed that is needed by the country. We must adopt a flexible policy than a very rigid one,” ayon kay Enrile matapos ang sesyon nitong Lunes.

Tiniyak naman ni Enrile na walang ibang babaguhin sa Saligang Batas partikular ang pagpapalawig sa termino ng sinumang opisyal ng pamahalaan na siyang napagkasunduan niya at ni House Speaker Feliciano Belmonte.

“It will not happen because the two House agreed and we will pass the resolution. You will see whether we are going to tinker with other provisions of the Constitution,” aniya.

Nauna nang pinaburan ni Senador Edgardo Angara at Joker Arroyo ang pag-aamyenda sa Saligang Batas upang umangkop ang karta sa panahon ngayon dahil papunta sa Asya ang pandaigdigang pamuhunan.

Sinabi ni Enrile na walang itinakdang panahon upang simulan ang pag-aamyenda sa Saligang Batas kundi maghahanap siya at ni Belmonte ng takdang panahon upang makausap si Pangulong Benigno Aquino III hinggil dito.

“No, we are not talking about the time yet. We are going to discuss this with the President. He is the Chief Executive of the country and he’s entitled to know and be informed,” aniya.

Nakatakdang kausapin din ni Enrile ang ilang kasamahan sa Senado upang himukin ang mga mambabatas na simulan ang pag-aamyenda sa Saligang Batas.

“Well, I have to discuss it with them. I cannot assume their concurrence but I will explain the thrust of our proposal,’ aniya.

Ngunit, naniniwala naman si Sen. Francis Escudero na hindi uusad ang usapin sa pag-aamyenda sa Saligang Batas dahil malapit na ang halalan sa 2013 mid-term elections.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply