Charter change buhay pa – Belmonte

BUHAY pa ang Cha-cha (Charter change). Ito ang pagtitiwalang sinabi ni House Speaker Feliciano “SB” Belmonte, Jr. matapos mabigo ang Kongreso na makumbinsi si Pangulong Benigno Aquino III na suportahan ang Charter change o pag-amyenda sa Saligang Batas.

Pinanghahawakan ni Belmonte ang hindi tahasang pagtanggi ni Pangulong Aquino sa Cha-cha sa halip ay pumayag siyang magkaroon ng Cabinet cluster na siyang magrerekomenda ukol sa usaping ito.

Sa isang press conference, ipinaliwanag ni Belmonte na anim na probisyon sa konstitusyon ang isinulong nila ni Senate President Juan Ponce-Enrile kay Pangulogn Aquino upang amyendahan kabilang dito ang 60-40 ownership sa mga lupain at negosyo sa bansa, public utilization, advertisement, media at edukasyon.

Aminado ang Speaker na pansamantalang tigil muna ang anomang pagtutulak ng Kongreso sa Cha-cha habang nagsasagawa ng pag-aaral ang Cabinet cluster.

“We really need the President’s concurrent. Buhay pa ang Chacha and he did not say no to it,” ayon kay Belmonte.

Nagbigay naman ng katiyakan si House Majority Leader Neptali Gonzales II na hindi magagalaw ang ibang probisyon gaya ng politikal kungdi itutuon ang pag-aaral sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply