Chief of Police, 9 pa nanggahasa ng detainee kinasuhan na

PORMAL nang naghain ng kasong administratibo ang pamilya ng isang detainee na umano’y biktima ng panggagahasa sa loob ng himpilan ng pulisya laban sa napatalsik na chief of police at sa siyam pang tauhan nito sa tanggapan ng National Police Commission (Napolcom) na nakabase sa lungsod ng San Fernando, La Union.

Base sa binigay na impormasyon ni Atty. Dennis Lomby, provincial officer ng Napolcom-La Union sa media , naghain na umano ng reklamong grave misconduct laban sa dating hepe ng Pugo Municipal Police Station na si S/Insp. Jessie Quisada.

Ayon kay Lomboy, kabilang din sa mga kinasuhan ng serious neglect of duty ang siyam pang pulis ng naturang himpilan na sina PO1 Juvelyn Camat, PO1 Marlyn Lozano, PO2 Bismark Estabillo, PO1 Eduardo Sario, PO1 Serafin Fernandez, PO2 Jessie Piran, PO2 Roy Aspuria, SPO4 Lagao at isang Hermosa.

Sakali umanong may makikitang probable cause, maaaring sumailalim sa summary dismissal proceeding ang mga nabanggit na pulis at pwede rin silang matanggal sa serbisyo kung mapapatunayan ang reklamo ng umano’y biktima ng panggagahasa.

Magugunitang naghain ng sumbong ang babaeng detainee na sangkot naman umano sa kasong may kinalaman sa pagtutulak ng droga, bunsod ng umano’y  paulit-ulit na panghahalay ni Quisada sa loob mismo ng kanyang tanggapan.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin sa pagsisiyasat ang mga kawani ng Napolcom upang malaman ang buong katotohanan hinggil sa reklamo ng bilanggo.

Iginiit naman ng opisyal ng komisyon na nanatili pa ring inosente ang mga kinasuhang pulis hangga’t hindi pa natatapos ang imbestigasyon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply