Child-friendly programs, hiniling ng CBCP

HINILING ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa pamahalaan na maglabas ng malinaw na guidelines para sa monitoring ng mga palabas sa telebisyon.

Ayon kay Fr. Conegundo Garganta, executive secretary ng Episcopal Commission on Youth ng CBCP, dapat maglatag ng mas mahigpit na standards at malinaw na rules and regulations para sa mga TV networks at practitioners na responsable sa paghubog ng kaisipan ng mga kabataang manonood.

Hinimok rin naman ni Garganta ang mga TV network na gumawa ng mga child-friendly programs.

Naniniwala si Garganta na malaking tulong ito upang matulungan ang mga kabataan na maging kapaki-pakinabang sa lipunan.

Iginiit ni Garganta na ang telebisyon ang isa sa pangunahing medium na ginagamit sa pagkuha ng impormasyon at kaalaman kaya’t dapat na hitik ito sa child-friendly shows.

“Child-friendly shows can stay in the standards would be appropriate this time and it will not be a competitor in molding the minds of children, schooldays and family bonding. These kinds of shows can help the children in their ability to pronounce words and also provide opportunities for their learning to be affirmed,” ayon kay Garganta.

Naglunsad na ang Department of Education (DepEd) sa pangunguna ni Secretary Br. Armin Luistro kasama ang National Council for Children’s Television (NCCT) ng Children’s Television Act’s Implementing Rules and Regulations (CTA-IRR).

Sa naturang IRR guidelines, nire-require ang mga local TV networks na maglaan ng halos 15 porsyento ng kanilang daily airtime para sa mga child-friendly TV shows na ipapalabas mula 6:00 ng umaga hanggang 9:00 ng gabi.

Ang mga celebrity couples na sina Julius Babao at Tintin Bersola-Babao, Anthony Pangilinan at Maricel Laxa-Pangilinan, Christopher Sommereux at Gladys Reyes-Sommereux, at Paolo Abrera at Suzi Entrata-Abrera ang mga itinalagang ‘celebrity champion couples’ ng NCCT na tutulong sa paghikayat sa mga magulang na bantayan ang mga anak sa panonood sa mga telebisyon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply