Children’s TV show pinadaragdagan

PINADARAGDAGAN ng Department of Education ang mga television program para sa mga bata.

Ito ay kasunod nang pagdami ng mga telenovela na ipinapalabas ng iba’t ibang istasyon ng TV.

Sinabi ni Education Secretary Armin Luistro, na sa halip na mga telenovela ay dapat dagdagan ang mga children’s program na nagsusulong ng karunungan para sa mga batang mag-aaral.

Nagpaalala rin ang DepEd sa mga magulang na laging bantayan ang kanilang mga anak sa tuwing nanonood ng ng mga palabas sa telebisyon lalo na at maraming panoorin na hindi angkop sa kanila

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply