China nangunguna pa rin sa Olympics: 9 golds nabingwit

“NECK to neck” kung ilalarawan ang labanan ng bansang China at Estados Unidos sa ginaganap na 2012 London Summer Olympics.

Sa mga oras na ito, tie na 17 ang kabuuang bilang ng naibulsang gintong medalya ang dalawang nasabing bansa.

Gayuman, nangunguna pa rin ang China dahil mas marami ang nasungkit nilang gold medals. Ang China ay may siyam na gintong medalya habang lima naman ang sa US.

Pumapangatlo naman ang Japan na mayroong 11 medalya kung saan isa ang ginto.

Samantala, mailap pa rin ang medalya para sa mga atletang Pinoy.

Narito ang standings sa mga oras na ito:

(G- gold, S – silver at B- Bronze)

1. China 9 G, 5 S, 3 B – Total = 17
2. United States 5 G, 7 S, 5 B – Total = 17
3. Japan: 1 G, 4 S, 6 B – Total = 11
4. Italy: 2 G, 4 S, 2 B – Total = 8
5. France: 3 G, 1 S, 3 B – Total = 7
6. South Korea 2 G, 2 S, 2 B – Total = 6
7. Russia: 2 G, 3 B – Total = 5
8. North Korea: 3 G, 1 B – Total = 4
8. Australia: 1 G, 2 S, 1 B – Total = 4

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply