China nangunguna sa London Olympics, 6 gold medals naibulsa

NANGUNGUNA ngayon ang bansang China sa 2012 London Olympics.

Sa ngayon ay 12 medalya na ang China; anim na ginto; apat na pilak at dalawang tanso.

Sinundan naman ito ng Estados Unidos na sa mga oras na ito ay may 11 medalya; tatlong ginto, limang pilak at tatlong tanso.

Si US swimmer Michael Phelps ang pinakahuling nag-ambag ng medalya para sa Amerika matapos masungkit ang silver medal sa men’s 100 meters breast stroke.

Samantala, wala pangnakukuhang medalya ang Pilipinas.

Sa mga oras na ito ang mga sumusunod ang top 8:

1. China   6 gold, 4 silver, 2 bronze = 12
2. United States  3 gold, 5 silver, 3 bronze = 11
3. Italy 2G, 3S, 2B = 7
4. Korea 2G, 1S, 2B = 5
5. France 2G, 1S, 1B = 4
6. DPR Korea  2G, 0S, 1B = 3
7. Kazakhstan 2G, 0S, 0B = 2
8. Australia 1G, 1S, 1B = 3
8. Brazil  1G, 1S, 1B = 3
8. Hungary 1G, 1S, 1B = 3

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply