Chinese vs mga bandido at sugalan sa Baguio

NAKAAALARMA na itong pahayag ng China kaugnay sa usapin sa pinag-aagawang West Philippine sea.

Ayon sa isang pahayagan, pinag-aaralan na ng Tsina kung dapat na ngang “armasan” ang mga mangingisdang Tsekwa na lumalaot dito sa ating karagatan.

In short, handa na, parekoy, ang Tsina na umpisahan ang digmaan laban sa ‘Pinas, at ang masakit, ang mga mangingisda lamang nila ang gagamitin laban sa ating Armed Forces!

Hehehe, grabeng insulto na itong inaabot natin. Tsk, tsk, tsk! Sabagay, may katwiran sila dahil ang mahigit 100,000 umano nilang mangingisda ay mukhang kaunti na lang at papantay na sa bilang ng  mga sundalong Pilipino.

Kaya nga isang malaking kahangalan ang pagtatapang-tapangan ni PNoy laban sa mahigit tatlong milyong sundalong Intsik na armado ng makabagong mga armas pandigma!

Pero kung gusto ni PNoy na bigyan ng magandang laban itong ginagawa ng Tsina na panlalait sa atin, nasa paligid lamang niya ang kasagutan!

Si Ed Kabalu na  spokesman ng MILF ay ginawa na ni PNoy na “consultant” sa Mindanao Peace Process, samantalang nasa kanyang Cabinet naman ang isang opisyal ng makakaliwang grupo na si Sec. Ronald Llamas.

Kaya dapat magdeklara na rin si PNoy na ang sinomang tulisan, bandido, NPA, MILF, MNLF, Abu Sayyaf at mga walang trabaho na makahuhuli ng mangingisdang Tsekwa ay kanila na ang buong barko!

Tingnan lang natin, parekoy, kung hindi sila mataranta, tutal ay iligal ang kanilang gusto!

Aba eh, mas sandamak-mak yata ang bandido at mga walang trabahong Filipino!

-o0o-

SI Mayor Mauricio Domogan ang itinuturong nagbigay nang pahintulot sa mga per-yante kaya namumulaklak ang Baguio City sa “pwesto pijo” na mistulang maliliit na casino. Kung ito ay hindi totoo at ginagamit lang ang pangalan ni Mayor Domogan ay ipahuli niya ang mga ito!

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply