Chito Alcid kay Rama: Tuloy ang demanda

NAIYAK at naging emosyunal ang entertainment writer na si Chito Alcid nang kapayanamin ng DZMM ukol sa alitan nila ng kontrobersyal na talent manager na si Annabelle Rama.

Nang matanong si Alcid ng mga host ng programa kung mapapatawad niyA Si Annabelle ay napaiyak ang entertainment writer.

Sinabi ni Alcid na mapapatawad niya si Annabelle Rama ngunit hindi ibig sabihin ay hindi na niya itutuloy ang pagsasampa ng kaso laban sa talent manager.

Ayon sa showbiz reporter, dapat matuldukan na ang mga “ginagawa” ni Rama, na partikular na tinukoy nito ay ang pagiging butangera umano ng talent manager at walang pinipiling lugar kung gustong bungangaan ang isang tao, mapa-artista man, reporter o piskal.

Mariing sinabi rin ni Alcid na hindi siya ang nag-provoke ng pangyayari dahil may kasamang body guard ang talent manager at nasa tabi nito ang asawang si Eddie Gutierrez.

Puros kasinungalingan umano ang sinabi ni Rama na siya ang nag-umpisa ng gulo. Ani Alcid, huwag nang magsinungaling si Rama dahil maraming artista ang nakasaksi at nai-video pa ang nasabing pangyayari.

Nagpasalamat naman si Alcid sa DZMM dahil nailabas niya ang kanyang panig.

Magugunitang noong nakaraang Sabado ay kinapanayam din ng DZMM ang talent manager at ikinuwento ang kanyang panig.

Pinasalamatan din ni Alcid ang National Press Club at iba pang grupo ng mga mamamahayag na nagpahayag ng suporta sa kanya kaugnay ng nasbaing isyu.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply