Chito Alcid mas pinapaboran kaysa kay Annabelle Rama

NAGREREKLAMONG sobrang pagod na ni Chito Alcid sa mga interview niya left and right sa maraming media entities. Lahat talaga ng networks at babasahin ay nag-interview sa kanya hinggil sa panghahabol nang saksak ni Anabelle Rama sa mismong burol ni Dolphy.

Pero sa kabila ng pagod ni Alcid, nakatutuwang malaman na mukhang mas pinaboran siya generally at itinuturing na kabastusan ang ginawa ni Madam Annabelle sa kanya.

Oo nga naman, kahit sinasabi pa ni Annabelle na humingi na siya ng sorry sa buong angkan ni Dolphy, still, hindi mabubura na isang malaking desecration ang ginawa niyang panghabol ng saksak at pagmumura sa walang labang reporter na si Chito.

Kaya nga ayan, marami ang sumusuporta kay Alcid gayong si Anabelle ay kinokondena na ‘di na niya iginalang ang mismong karapatang pang-media ni Alcid.

Isang malaking dagok din kay Annabelle na isang malaki at may puwersang writers’ group ang nagdeklarang persona non grata siya.

At subukan kayang magbasa ng mga comment sa iba’t ibang blogs para ma-realize ni Madam Anabelle kung gaano kasama’t ka-dastardly ang ginawa niya laban kay Alcid.

Maganda ring ipaalam sa buong showbiz na may mga taong pumapayag na tumestigo laban sa kasong isinampa ni Alcid kay Rama. Mismong si Chavit Singson na nandoon nang gawin ni Rama ang ‘krimen,’ ang nagsasabing ang ermats talaga ni Ruffa G. ang nagsimula ng gulo. Na taliwas sa palusot ni Anabelle na diumano, she was provoked by Alcid.

Tetestigo rin sa korte si Azenith Briones na isa sa mga saksi sa mga tunay na nangyari.

So there!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply