Chiz kay PNoy: Igawad ang National Artist award kay Dolphy

HULI man, kinalampag ni Senador Francis “Chiz” Escudero si Pangulong Benigno Aquino III na igawad na kay Rodolfo “Dolphy” Vera Quizon Jr., ang National Artist Award dahil nakapagsalita na ang taumbayan sa nakitang pagbuhos ng pakikipagdalamhati sa kanyang burol sa nakalipas na ilang araw.

“Vox populi, vox dei. It is not a matter of discussion anymore. Dolphy has long joined the line of our National Artists,” ayon kay Escudero nitong Sabado.

Sinabi ni Escudero na matutunghayan sa salita at pagkilos ng taumbayan na pumila upang masulyapan sa huling pagkakataon ang Comedy King na nabigyan na siya ng pinakamataas na parangal ng mamamayan.

“The people, by their words and actions, have accorded Dolphy the highest “award” and recognition any actor and artist can possibly receive,” aniya.

Aniya , dulot ng pagkilala at parangal na ibinigay ng taumbayan at iba’t ibang sector, patuloy na tumatanggap si Dolphy ng naturang Award.

“I am in favor of recognizing Dolphy as a national artist, though that would only then be a formality should it be given later,” giit ni Escudero.

“The The long lines at the Heritage Park, which I saw myself, and the accolades from various sectors that the late comedy king continuously receives are true testaments that the people have spoken,” patapos niya.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply