Chiz kinumpirma ang annulment ng kasal

PORMAL nang kinumpirma ni Sen. Francis “Chiz” Escudero ang annulment ng kanyang kasal kay Christine Elizabeth “Tintin” Flores sa kanyang pagharap sa isang programa sa telebisyon kaninag umaga.

Sa kanyang pagharap sa programa ni Kris Aquino bilang co-host ng programang Kris TV sa ABS-CBN, kinumpirma ni Escudero ang binunyag ni Flores sa kolum ni entertainment columnist Ricky Lo na annulled na ang kasal nilang dalawa.

“Yes!” wika ng senador nang tanungin ni Kris kung totoo ang ibinulgar ng kanyang ex-wife.

“Ang usapan kasi namin hindi naman kami showbiz, hindi kami magsasalita,” paliwanag ng senador.

Ikinasal ang dalawa noong Disyembre 15, 1999 sa Shrine of Jesus, Reclamation Area sa Pasay City at makalipas ang pitong taon ay biniyayaan sila ng kambal, isang lalake at babae.

Inamin din ni Escudero na nasa kustodiya niya ang kambal nilang anak na limang taong gulang pa lamang ngayon.

Tikom naman ang bibig ni Escudero sa tanong ni Kris kung mayroon na itong napupusuan ngayon.

Aniya, hindi totoong nakipag-date siya kay actress Heart Evangelista kundi itinuturing lamang niya itong isang meeting, bagamat dalawang beses silang nagkita ng aktres.

“Kapag 27 years old ka, siguro yun ang tawag dun going out o date. Pag 42 years old ka ang tawag dun meeting. Nag-meeting lang kayo,” paliwanag pa niya.  Ernie Reyes

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply