Atty. Mejia: Chiz, Tupas maparurusahan

SINABI ni Atty. Jose Mejia, miyembro ng Judicial and Bar Council (JBC) na tahasang paglabag sa Konstitusyon ang desisyon nina Senator Francis “Chiz” Escudero at Iloilo Rep. Niel Tupas, Jr. na hindi makibahagi sa botohan sa Huwebes (Agosto 2) para sa isususmiteng shortlist ng susunod na punong mahistratdo ng Korte Suprema.

Dahil dito, posible aniyang maparusahan ang dalawang mambabatas dahil sa kanilang pasya.

Ayon pa sa abogado, malinaw na nakasaad sa Section 8, Paragraph 1 ng Article 8 ng Saligang Batas na dapat may ipadalang kinatawan ang Kongreso sa JBC.

Una nang kinuwestyon ang komposisyon ng konseho kung kaya iginiit ng dalawang mambabatas na resolbahin muna ng korte ang kanilang inihaing mosyon.

Ayon sa dalawang mambabatas, dapat ay mayroong dalawang kinatawan ang Kongreso sa JBC ngunit taliwas sa kanilang kagustuhan sa naging desisyon ng Korte Suprema na inilabas na dapat iisa lamang ang kinatawan sa lupon.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply