Chiz wala nang balak magpakasal muli

TAHASANG inihayag ni Sen. Francis “Chiz” Escudero na wala na siyang balak pang magpakasal sa sinuman matapos maaprubahan ng korte ang annulment case sa asawang si Christine Florez.

Sa programang Kris TV sa ABS-CBN, direktang tinanong ni Kris Aquino ang senador na kung balak pa nitong magpakasal muli matapos ang annulment kay Flores.

“Bakit ikaw naiisip mo bang ikasal muli?” tanong ni Kris sa senador.

“Hindi!”kagyat na sagot ni Escudero.

Nauugnay ngayon ang senador kay Heart Evangelista matapos itong ipakilala ni Sen. Miriam Defensor Santiago.

Dalawang beses na silang nag-dinner date at isang beses na naispatan na magkasama sa Greenbelt, Makati City, pero itinuturing ni Escudero na pawang mga ‘meeting’ lamang ito at hindi date.

Nauna rito, kinuwento ni Aquino na kung siya ay magpapakasal muli, gusto niya ay sa chapel ng Misibis Bay sa Bacacay, Albay dahil para sa kanya ay ito ang pinakamagandang simbahan na kanyang nakita sa buong Pilipinas.

Gayunman, sinabi ni Aquino na kahit may simbahan na siyang napili, wala naman siyang balak pang magpakasal muli matapos ang annulment ng kasal nito kay PBA player James Yap.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply