CIDG-TF maverick, patuloy ang collection sa vices

NO take policy’ raw sa mga iligal na pasugalan ang  mga kagawad ng  Philippine National Police.

Pero ang nakapagtataka ay kung bakit marami pa rin sa mga miyembro nito  ang tumatanggap at patuloy ang tong collection sa mga iligal na pasugalan sa buong bansa.

Sa impo ay patuloy pa rin ang ginagawang pangongolekta ng intelihensiya ng CIDG-Task Force “Maverick” na pinamumunuan ng isang police colonel na kinilala sa tawag na Sir Monia sa mga illegal gambling (1602) at jueteng (137).

Ang palabas ng grupo ni Sir Monia ay ‘stop’ ang tong-collection sa mga pasugalan. Pero teka, bakit  patuloy pa rin ang pag-ikot at pangongotong ng mga tauhan ni Sir Monia sa 1602 at 137?

Panay pa rin ang mando ng engkargado ni Sir Monia na isang police colonel na kinilala sa alyas Col. Paco.
Ang task force Maverick ay binubuo ng mga masisipag na tong-collector ni  Col. Paco na kung saan ay may kanya-kanyang mga sakop na distrito para sa tong-collection.

Sa MPD isang alyas Obet ang tong-collector, NPD – alyas Egay, QCPD – alyas Boyet, SPD – alyas Lito at sa EPD – isang alyas Brian.
Mula naman sa Region-4, ang nagsisilbing tong-collector ay isang alyas Guera.

Samantala sa Region-3  naman ang umiikot ay itong si Lennon.
Ang sistema naman ng pagkolekta ng tong-collection sa Region 1, 2, 5, 6, 7, 8, 9 at Visaya at Mindanao ay inihuhulog na lang ito sa kanilang bank accounts.

(ITUTULOY)

oOo

Lotteng nina Cris at Rose sa Pasig


Tuloy ang lotteng nina Cris at Rose  sa Pasig. Hindi matinag ang operasyon dahil malakas daw sila kay EDP DD Gen. Mike Laurel. Pulisssss………

oOo

Anoman ang reklamo mangyari ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email juandesabog@-yahoo.com.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply