COA findings sa Maynila

NAKITA ng Commission on Audit (COA) ang financial statement ng Lungsod ng Maynila sa pamamahala ni Mayor Alfredo Lim at lubha itong nataranta dahil kakaiba ang kanilang nakita.

Kitang-kita kasi sa kani-lang pagsisiyasat na over si Lim sa gastos dahil tumaas ang konsumo ng kuryente sa Maynila ng 40.33 percent na kung saan gumastos ang lungsod ng P432.73 milyon noong 2010 kumpara sa electricity consumption nito noong 2009.

Sandamakmak daw kasi ang ilaw sa Maynila dahil hindi yata nasiyahan si Lim sa mga pailaw ng dating alkalde na si Lito Atienza na kanyang pinalitan kaya’t binago niya ito at dinagdagan pa upang magkaroon daw ng sariling tatak sa publiko.

Nakita rin ng COA ang malaking cash advances ng Maynila na nagkakahalaga ng P105.93 milyon na umano’y isang malinaw na pagpapabaya sa kabang yaman ng siyudad.

Labis ring nagtaka ang COA sa P786.10 milyon na ginastos ng Maynila sa supplies noong 2010 dahil hindi nila malubos maisip kung paano ito inubos.

Sa pagsisiyasat din ng naturang ahensiya ay nakita rin nitong bangkarote ang lungsod ng Maynila dahil kulang ang natirang pera nito noong 2010 na nagkakaha-laga ng mahigit P1 milyon la-mang kumpara sa halaga ng bayarin nitong umabot sa mahigit P4 milyon.

Mukhang maraming dapat ipaliwanag si Lim sa mga taga-Maynila dahil hindi birong paggastos ang kan-yang ginawa base na rin sa report ng COA.

Maging ang mga taga-Maynila ay labis na nagtataka dahil hindi naman nila naram-daman ang laki ng budget ng siyudad dahil kakatiting daw ang mga proyektong naibaba sa mamamayan lalo’t higit sa mga mahihirap na Manileño.

‘Yan ang dapat nating pakaabangan dahil tiyak na ilalantad ito ng mga kalaban ni Lim sa darating na labanan dahil pera ng bayan ang pinag-uusapan dito.

####

Mukhang tuloy na tuloy na ang pagsasama ng Liberal Party (LP) at Nacionalista Party (NP) sa darating na 2013 election.

Pormalidad na lang daw ang kailangan sa naturang usapin dahil ang mga bossing ng dalawang naturang partido ay umokey na sa naturang pagsasanib pwersa bilang pantapat sa United Nationalist Alliance (UNA) nina VP Jejomar Binay at dating Pangulong Erap Estrada.

Hatian na lang daw sa slot ang kailangan dahil gusto raw isama ng NP sa kanilang senatorial line-up si dating Surigao del Norte Gov. Ace Barbers bukod pa kina Sen. Allan Cayetano, Sen. Antonio Trillanes at dating Cong. Cynthia Villar.

Tiyak na ang naturang samahan kaya’t mukhang lalong tumatag ang pambato ng administrasyon dahil hebigat ang line-up ng NP bukod pa sa listahan ng LP na alam naman nating winnable ring lahat.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply