Cojuangco, Enrile inabswelto sa behest loans

PINAWALANG sala ng Korte Suprema ang negosyanteng sina Eduardo ‘Danding’ Cojuangco at Senate President Juan Ponce Enrile mula sa kasong katiwalian na inihain laban sa kanila ng gobyerno.

May kinalaman ang kaso sa diumanoy behest loan sa panahong sina Enrile at Cojuangco ay nanunungkulan bilang mga Board of Directors ng United Coconut Planters Bank nuong rehimeng Marcos.

Ibasura ng Korte Suprema ang petisyong inihain ng gobyerno

Ayon sa korte, hindi maaring usigin ng gobyerno sina Enrile, Cojuangco at 16 na iba pang akusado sa kasong graft and corruption dahil nagprescribe na o nagpaso na ang panahon para maisulong sa hukuman ang kaso.

Sa desisyon ng Supreme Court En Banc, pinagtibay nito ang findings ng Tanggapan ng Ombudsman nuong May 14, 1999 na una nang naggiit na natapos na ang prescription period para sa nasabing kaso.

Nag-ugat ang kaso nang aprubahan ng Board of Directors ng UCPB kung saan kabilang sina Enrile at Cojuangco nuong April 29, 1979 ang resolusyon na nagbibigay kapangyarihan sa UCPB na administrator ng Coconut Industry Investment Fund (CIIF), na ipuhunan ang hindi hihigit sa P500 milyong mula sa pondo ng CIIF  sa equity ng Unicom para sa benepisyo umano ng mga magniniyog.

Sa resolusyon ng Korte Suprema, tinukoy na bagamat walang prescription period na itinakda sa Konstitusyon kaugnay sa paghahabol sa ill-gotten wealth ni dating Pangulong Marcos, ang panahon ng pagsasampa sa korte ng kasong kriminal na may kinalaman dito ay nagpapaso.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply