Collector ni Col. Tinio at ‘Tesda Fund’ ni Villanueva

NILINAW ni Sec. Joel Villanueva at Director General ng Technical Educational Skills Development Authority o TESDA na siya ay kakandidatong senador sa darating na 2013 “midterm elections.”

Kaya naman puspusan na ang kanyang ginagawang paghahanda para sa nalalapit na kandidatura.

Dahil dito, nagkalat na sa iba’t ibang rehiyon at probinsya ang kanyang mga tarpaulin at ilan pang babasahin patungkol umano sa mga layunin ng TESDA pero sa totoo lang mas malalaki pa ang mga letra ng pangalang JOEL VILLANUEVA.

Ang lahat ng ito, parekoy, ay gastos mula sa pondo ng pamahalaan o ng TESDA.

Maliwanag na hindi patas itong si Villanueva sa kanyang mga kalaban na gumagastos sa kanilang kampanya mula mismo sa kanilang mga bulsa.

Hindi rin siya patas sa taumbayan dahil ang napakalaking gastusin maging sa kanyang mga pag-iikot sa buong bansa ay pondo ng TESDA na dapat ay magamit pa sa ilang mahahalagang bagay na maia-ayuda sa TESDA students!

Kung sa ngayon pa lang ay nagpapakita na ang taong ito ng pagiging “switik”, gaano pa kaya kung mahalal na ito bilang senador ng republika ni Juan?

oOo

COLLECTOR umano siya ni Pampanga PNP Provincial Director S/Supt. Ed Tinio.

‘Yan, parekoy, ang pakilala ni Sgt. Lennon sa lahat ng iligalista sa nasabing lalawigan.

Jueteng, lotteng, sakla, color games, bold shows at maging ang iligal na droga ay hindi nakaliligtas sa matalas na pang-amoy ni Lennon.

Sa madaling salita, limpak-limpak na salapi tuwing Lunes ang nakokolekta nitong pulis na si Lennon . . . ang nagpapakilalang collector nga ni PD Tinio.

Ang kanyang gawain, parekoy, ay hindi lingid sa kaalaman ng maraming police officer sa Pampanga at dahil madalas ito sa opisina ni PD kaya halos alam na nila na malapit ito sa katotohanan.

Dalawang bagay ang hinihiling natin kay Col. Tinio para maging malinaw.

Una itanggi na collector niya si Lennon at pangalawa ay ipa-entrap ang taong ito para maging kapani-paniwala naman si Col. Ed Tinio!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply