Comelec maghahain ng MR vs piyansa ni GMA

MAGHAHAIN ang Commission on Elections ng motion for reconsideration (MR) kaugnay nang pagpayag ng Pasay Regional Trial Court Branch 112 na makapagpiyansa si dating Pangulong gloria Macapagal Arroyo sa kasong electoral sabotage.

Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes, wala pa silang natatanggap na order ng korte kaya posibleng ngayong hapon o bukas nila ihahain ang nasabing mosyon.

“It’s the judge’s discretion. We will recognize it pero dapat naman na pagbigyan kaming mag-file ng reconsideration para mai-appeal naman namin na mali yata yung kaniyang ginawa,” dagdag pa ni Brillantes.

Kinontra din ng Comelec chair ang katwiran ni Judge Jesus Mupas na mahina ang ebidensya ng prosekusyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply