Comelec: Nationwide voters registration ipagpapatuloy

MULING ipagpapatuloy ng Commission on Elections (Comelec) ang nationwide voters registration at validation ng mga registration records ngayong linggong ito.

Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes, Jr., simula bukas, Agosto 1, hanggang Oktubre 31 ay maaari na muling magparehistro para makaboto sa 2013 midterm elections.

Nabatid na kuwalipikadong magparehistro yaong nasa edad 18 taong gulang pataas.

Bukod naman sa pagpaparehistro ng mga bagong botante, maaari na ring ituloy ang aplikasyon para sa correction of entries, pagpapalit ng pangalan at transfer ng registration records.

Ayon kay Comelec spokesman James Jimenez, ang lahat ng aplikante ay maaring magtungo sa pinakamalapit na tanggapan ng Comelec mula Lunes hanggang Sabado kasama na ang holidays mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.

Pinayuhan niya ang mga aplikante na magdala ng mga valid identification cards para sa pagpaparehistro.

Matatandaang una nang sinuspinde pansamantala ng Comelec ang voters registration sa buong bansa upang bigyang daan ang ginawang general registration sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply