Comelec officer patay sa ambush

MA. AURORA, Aurora- Patay ang isang opisyal ng Commission on Election ng bayang ito matapos barilin sa ulo ng tinaguriang riding in tandem dakong alas-8:00 kagabi sa kanyang tahanan sa Brgy. 3 sa bayang ito.

Kinilala ang biktima na si Romualdo “Waldo” Palispis, 51-anyos, kasalukuyang Assistant Comelec officer ng bayan ng Maria Aurora.

Sa paunang imbestigasyon ng Maria Aurora Police, naggigitara sa kanilang sala ang biktima nang barilin ng hitman at pagkatapos ay tumakas ito kasama ang isang lookout sakay ng motorsiklo.

Sa kwento naman ng asawa ng biktima na si Sol Palispis, nakahiga siya nang marinig ang putok na noong una ay inakala niyang sumabog ang amplifier na ginagamit ng kanyang asawa habang naggigitara ngunit nang tingnan niya ito ay natagpuan niya itong nakalugmok na sa kanyang gitara. Wala pang maibigay na motibo ang mga awtoridad sa pamamaslang.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply