Comelec sa DBM: Tinapyas sa badyet ibalik

NANAWAGAN ngayon si Commission on Elections (Comelec) Chairman Sixto Brillantes kay Budget Secretary Florencio Butch Abad na ibalik ang P5-bilyon kinaltas sa budget ng Comelec para sa susunod na taon.

Sinabi ni Brillantes na malaking tulong na sa ahensya kung maibabalik ang tinapyas na pondo para magamit sa mahahalagan bagay ng komisyon.

Gayunman, sinabi ni Brillantes na kung hindi pagbibigyan ng Departmentof Budget and Management (DBM) ang kanilang kahilingan aymagpapasaklolo na  ang ahensya sa mga kongresista.

Ayon kay  Brillantes, mapipilitan ang ahensya na bumalik sa mano-manong pagbibilang sa 2013 mid term elections at barangay elections sa susunod na taon dahil sa kakapusan sa budget.

Binigyang diin ni Brillantes na hindi kakayanin ng Comelec n amakapagdaos ng maayos na halalan sa 2013 gamit ang kakarampot nabudget na inilaan ng gobyerno

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply