Comelec sa mga botante ng ARMM: Lumabas at magparehistro

NANAWAGAN si Comelec Commissioner Elias Yusoph sa mga botante sa ARMM  na lumabas at magparehistro mula ngayon hanggang Hulyo 18 para makalahok sa 2013 midterm elections.

Pinaalalahanan  rin ni Commissioner Yusoph na wala ng rehistradong botante sa ARMM matapos na ipawalang bisa ng kongreso ang Books of Voters sa rehiyon.

Sinabi ni Yusoph na ang  general registration ay magsisilbing unang hakbang para mabago na ang imahe na “Cheating Capital of the Philippines” ang ARMM.

Tiniyak ni Comelec Chairman Sixto Brillantes ang seguridad na gagawing general registration at matiyak na legitimate ang gagawing listahan ng mga botante.

Ang special registration ay nagsimula kaninang alas 8:00 ng umaga at tatagal hanggang mamayang alas singko ng hapon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply