Competency certificates ibinigay ng TESDA sa 3,600 bus drivers

KINUMPIRMA ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na napagkalooban na nila ng competency certification ang 3,600 bus drivers para sa requirement na hinihingi ng  Department of Transportation and Communications (DOTC) ang Department of Labor and Employment (DOLE).

Ayon kay TESDA Director General Joel Villanueva na sinisikap ng ahensya na mabigyan ng competency certification ang may 10,662 bus drivers para sa kanilang fixed salary scheme na ipinatupad ng DOLE.

Bagamat ipinatigil ng Korte Suprema ang pagpapatupad ng buwanang sahod sa mga bus driver, tuloy-tuloy pa rin ang ginagawang pagsasanay ng TESDA sa drivers upang maituro ang tamang disiplina sa kalye, maging ang tamang pananamit at pakikitungo sa mga pasahero.

Dapat na maliwanagan ng taumbayan ‘ang assessment and certification mandate ng TESDA dahil ito mahalagang dokumento  na ibinigay  sa DOTC at DOLE.

Samantala, inanyayahan naman ng TESDA ang iba pang bus drivers na magkakaroon ng libreng assessment and certification mula Hulyo 9 hanggang Oktubre 29.

Sinabi ni Villanueva na hindi na kailangan pang sumalang sa training ang mga beteranong tsuper kundi magpa-assess na lang sa TESDA center para mabigyan ng certification.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply