Congrats sa CARAT 2012

KARARAOS lamang nitong nakaraang linggo ng taunang Cooperation Afloat Readiness and Training o CARAT 2012 sa pagitan ng US Navy at Philippine Navy (PN) sa Sarangani at Gen-San.

Tulad noong isang taon sa Palawan, ang pagsasanay ay nagbigay ng pagkakataon na mapabuti pa ang combined interoperability capability ng PN lalu na sa pag-operate kasama ang US Navy.

Bukod dito, nagkaroon din ang PN ng pagkakataon na masubok ang operational readiness ng kanyang personnel at naval assets upang mapaigting pa ang naval defense capability ng Sandatahang Lakas.

Sa taong ito ay sa area of responsibility ng Naval Forces Eastern Mindanao (NFEM) inilunsad ang ehersisyo.

Kinabilangan ito ng in-port training, subject matter expertise exchanges, ceremonies at interactions; diving and salvage training sa General Santos Bay, at mga medical / dental civic action projects sa Glan School of Arts and Trade at community service activity sa Makar Wharf.

Nilahukan din ng mga tauhan ng US at Philippine Coast Guards ang exercise na ito kaya’t apat na pwersa ang nagsanib para sa taong ito.

Naging makabuluhan ang aktibidades sa CARAT 2012 dahil kung matatandaan ay kararanas lamang ng Glan, Sarangani ng flash floods at maaring tanawin ang pagsasanay na ito bilang pagkakataon upang magsanay din ang mga kalahok sa disaster response at humanitarian assistance.

Dagdag pa rito ay nabibigyan din ng pagkakataon ang mga nasalanta o katatapos lamang masalanta ng sakuna na mabigyan ng tulong mula sa mga kalahok na pwersa.

Isang malugod na pagbati sa lahat ng mga nakisapi sa CARAT 2012.

Sa kinalabasan ng ehersisyo ay labis ang ligaya ng mga taga-Sarangani at Gen-San. Congrats at best wishes din sa Commander ng NFEM na si Commodore Philip L Cacayan at sa kanyang Deputy na si Captain Robert A Empedrad na kapwa nanigurado na magiging matagumpay ang CARAT sa ilalim ng NFEM sa taong ito.

At sa puntong ito ay nananawagan ako sa lahat ng mga kapatid na ituloy ang suporta upang maging higit na malakas at kredable ang inyong Navy tungo sa masagana at mapayapang Pilipinas. Kaya natin yan Pinoy!

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply