Construction worker utas sa pamamaril sa Maynila

TATLONG putok ng baril ang umalingawngaw sa kasagsagan ng malakas na ulan kagabi at sunod nito ay nakitang nakatimbuwang ang isang construction worker sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang nasawi na si Ronald Echavariana, nasa 30 hanggang 35 anyos at sinasabing construction worker ng FF Cruz at umano’y residente ng Parola Compound sa Tondo, Maynila.

Sa ulat ng, natagpuang nakabulagta ang biktima na may tama ng tatlong bala sa katawan.

Samantala, patuloy ang pangangalap ng testigo para sa pagkakakilanlan ng suspek na armado ng hindi pa batid na kalibreng baril, habang nag-iimbestiga pa ang pulisya.

Base sa ulat ni Det. Ronald Gallo ng Manila Police District–Crime Against Persons Investigation Section, dakong 7:00 ng kagabi, nang makarinig ang ilang residente ng sunod-sunod na putok ng baril sa pagitan ng building 20 at building 24 sa Temporary Housing sa Road 10 Vitas, Tondo.

Bago naganap ang krimen, isang Nestor Morilio ang nagpunta sa biktima para maghiram umano ng pera.

Napag-alaman na si Echavarria umano’y isang karpintero sa kanilang contruction firm, pero dayo lamang ito sa lugar na hinihinalang napag-tripan lamang.

Dinala na ang bangkay sa St. Yvan Funeral Morgue para sa kaukulang awtopsiya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply