Consultant ni Gov. Mangudadatu inambus, patay

PATAY ang isang dating mayor ng Sultan Kudarat matapos itong tambangan at ang kanyang pamilya sa Isulan  noong Sabado ng hapon.

Ayon sa ulat, si dating Mayor Suahid Salik ay namatay sa pag-atake habang isinugod naman sa ospital ang misis nito at mga anak sanhi ng tinamong tama ng bala sa katawan.

Sa kasalukuyan, si Salik ay consultant ni  Maguindanao Governor Esmael “Toto” Mangudadatu.

Blangko pa ang pulisya kung ano ang motibo at kung sino ang nagkasa ng pang-aambus.

Pero mayroon na silang ideya kung sino ang nasa likod ng pamamaslang kay Salik ngunit hindi muna ibinunyag alinsunod sa ikakasang imbestigasyon.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas 5:30 nitong Sabado ng hapon sa national highway ng Isulan.

Bago ito, sinasabing lulan sa kanilang sasakyan ang pamilya Salik nang biglang ratratin ng mga hindi nakikilalang armadong kalalakihan.

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply