Contractors ng DPWH kakasuhan sa tinakpang manholes

PINAG-AARALAN ngayon ng Metro Manila Development Authority ang pagsasampa ng kaso sa mga contractor ng Department of Public Works and Highways (DPWH) dahil sa tinakpan ng mga ito ang mahigit 661 manhole sa Metro Manila na naging sanhi ng malawakang pagbaha ng bumuhos ang malakas na ulan noong Hulyo 3.

Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, balak nilang sampahan ang mga contractor na nagpabaya at minadali ang trabaho sa kalsada kaya’t pati ang mga manhole ay tinapalan ng aspalto.

Isa umano itong paglabag sa kontrata sa pamahalaan na ang naging resulta ay ang mabilis na pagtaas ng tubig sa mga kalsada dahil wala na ang mga manhole na dadaluyan ng tubig ulan.

Nahirapan umano ang mga MMDA declogging teams na maglinis ng mga kanal dahil hindi nila makita ang mga manhole na tinakpan ng aspalto. Nangapa umano ang mga ito bago makita ang mga manhole na gumugol ng maraming oras sa kanilang operasyon.

Aksaya sa oras, ayon kay MMDA Flood Cotrol Officer Alexander Mohammed ang paghahanap sa mga manhole, imbes na malilinis agad ang mga ito.

Sa Roxas Boulevard lamang ay 35 na mga manhole ang natakpan habang 25 manhole sa Kalaw St, Maynila, 40 manhole sa Quirino Highway Novaliches at 31 sa Sumulong Highway.

Mahigit umano isang linggo ang aabutin sa pagbubungkal sa mga tinapalang manhole ng mga tauhan ng DPWH at pagkumpuni sa mga ito na magdudulot ng pagsisikip ng daloy ng trapiko sa mga apektadong lansangan, dagdag pa ng MMDA.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply